3.13.2007

unang post para sa taon

Nakikinig sa: (takatak ng keyboard, ingay ng air conditioning system, atbp.)

matagal tagal na rin akong hindi nakapag update ng blog. =.=

busy lang kaya hindi ako nakapag update.

sa ngayon... tama na muna to para sa unang post. kung mapapansin ng mga bumibisita sa blog na to, hindi ko na sinunod yung dati kong pagpopost dahil mejo nakakasawa na. sobrang dami nang wanna be's na nagpipilit maging fluent sa pagsulat sa ingles. kahit ako, nababantutan na nga ako sa pagsusulat ko ng tagalog pero sige na, pag-tyagaan na natin. wala naman sigurong magrereklamo kung baguhin ko yung pagsusulat ko.

naalala ko, wala pala akong entry para sa natapos na taon. ni hindi ko manlang nabigyan ng magandang closure yung nakaraan taon sa dami ng pinagkaabalahan ko. (sana ngayon hindi na maging ganun ka busy ang buhay ko para naman mas madalas kong ma-update tong walang kabuluhang blog na to.

nga pala, binago ko na rin yung URL ng blog ko dahil mashadong mahaba yung luma. gumagana na pala ulit yung TagBoard pero baka palitan ko rin yan sakali mang mangyari ulit na mag-down yang lintek na yan.

ay nga pala, para sa kaunawaan ng mga bibisita dito, pakundangan pero hindi ako magpipigil na mag post ng kung ano man na pumasok sa utak ko. (maging mura o cuss word man yon o hindi). blog ko naman to kaya walang pwedeng kumontra. >:D

susubukan kong piliting alalahanin yung mga nangyari nung mga nakaraan araw at buwan para naman mapunan ko yung mga hindi ko nailagay dito.

sa ngayon, tama na muna to para sa unang post.

1 comment:

  1. ako pa unang "epal" dito? O_O

    Komentaryo sa blog na ito:
    **ANG CORNY!!!!**

    ang gulo mo managalog!! >:D

    -> kung ang buhay ay isang delata, gusto ko maging Century Tuna: THE SUPER MEAT~!

    ReplyDelete